Start Your Business With Us!

Start Your Business With Us!

Shop and Start your Business With Us!

Paano nga ba simulan ang iyong Buy and Sell Business sa tulong ng MyDivisoria Philippines?
Walang simpleng negosyo, walang biglang kita. Ang buy and sell ay hindi simpleng katuwaan lang. Ngunit kung sasabayan mo ng kaunting tyaga ay madali mong matututunan ang pag nenegosyo sa tulong ng MyDivisoria Philippines.
Sundan lamang ang mga ito:
1. Ang lahat ng litrato o pictures ng produkto ng MyDivisoria Philippines ay available sa FB Group Page. Kasama na dito ang mga pricelist na SRP o suggested retail price na pwede mong basehan ng presyo mo, at retail/reseller price na sya namang basehan ng babayaran sa amin at ang wholesale price na babayaran sa pagkuha ng 6 pataas ng bawat produkto.

2. I-download ang mga ito, at simulang i-post sa iyong Facebook account. Huwag iuupload ng isahan ang lahat ng pictures. Mas magandang lagyan ng pagitan ang pag popost nito. Maari mo rin syang ayusin na isang koleksyon tulad ng Phone Accessories o lahat ng pambabae. Magpost lamang sa mga oras na gising din ang mga target mong customer para mag appear ito sa kanilang news feed.

3. Hanapin ang mga items sa mall o mga tyangge sa inyong lugar. Kadalasan ay doble o triple nila ito ibenta dahil na din sa bayad nila sa pagrenta ng pwesto. Maari mong gamitin itong basehan ng iyong presyo o sa iyong pag sales talk.

4. I compute ng maayos ang kikitain. Ang lahat ng items ay pwedeng ipadala ng direkta sa iyong customer. Ang tawag dito ay DROPSHIPPING. Ang iyong pangalan ang lalabas na nagpadala ng mga order mo. Kung hindi naman nag mamadali ang customer. Mas maiging ipunin ang lahat
ng order para isahan naming ipapadala sayo at saka mo ipadala sa kanila. Maraming kumpanya ang pwede mong gamitin na courier o shipper tulad ng:

LBC
JRS
Margaux
Air21
Xend
Fastrack
AP Cargo
At iba pa.

Maari ding dumalaw sa aming opisina para kunin ang order. Bayaran lang ang kabuuan ng order 1 araw bago pumunta.

5.Mag download ng viber o wechat. Kadalasan sa online ngayon, Viber ang gamit. Maigi itong gamit para sa komunikasyon sa iyong mga customer na gamit ay ibang network. Mas madali din magpadala ng mga litrato dito. Gumawa lang ng isang order form tulad nito?
(Your Store Name/Pangalan ng iyong Shop)
Name:
Shipping Address:
Phone Number:
Order(s):

Ipadala ito sa iyong customer para mag magsilbing guide sa kanyang mga order. Kadalasan, may mga customers na gumagawa ng kanilang collage o ang pagsasasama ng mga pictures para sa mas mabilisang pag order.

6. Kung walang pang kapital, maaring humingi ng bayad sa iyong customer o mag pre-order. Magsimula ka sa iyong mga kakilala na siguradong magbabayad sayo.

7. Pag may nagorder na sayo, ugaliin ding piktyuran ang mga items at resibo. Ito ay matatawag na “proof of transactions” na pwede mong ipost sa iyong page para makita ng mga susunod na customer mo at mas ma engganyo sila.

8. Humingi ng feedback sa iyong mga customer kung ano ba ang madalas nilang bilihin online. Kung wala pa sa aming Facebook account o website. Magsubmit lang ng request para mahanap namin ang supplier.

9. Damihan ang pasensya at tyaga. Mahirap makipag deal o usap sa customer, pero mas mahirap mag hanap ng customer. Pag kausap mo na sila, panatilihin ang interes. Ibigay ang lahat ng impormasyon at siguruhing ifollow up ang mga nag order na kung may susunod ba silang order.

10. Mag sign up sa reseller form para siguruhing makatanggap ng mga promos at tips para sa iyong pagnenegosyo online. Huwag mag alinlangang mag kontakin kami sa anumang tanong. Ang MyDivisoria Philippines ay handang tumulong sa anumang mga katanungan araw araw.

– MyDivisoria Philippines – Your #1 Reseller Hub